PNoy hindi tiyak kung makadadalo sa kasal ni Shalani

HINDI pa sigurado ni Pangulong Benigno Aquino III kung dadalo siya sa kasal ng  ex-girlfriend na si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad kay Pasig City Representative Roman Romulo sa Enero 22, taong ito.

Ayon kay PNoy, umaasa siya na magiging  mabunga ang pagsasama nina Shalani at Romulo dahil naniniwala siyang pinagtagpo talaga sila ng tadhana.

“We hope that this will be what the union of Roman and Shalani will be able to achieve. They have found the right person in each other. They will be able to nurture the children that they will be bringing into this world….more responsible, productive citizens joining our society,” pahayag pa ng pangulo.

“Normally yung schedule ko and my wishes are not synchronized. I have so many roles and all those roles consume all the time that I have available. Normally if I ask for personal time , the last trip that I had to Tarlac took me four to five months to organize.”

Tinukoy pa nito na hindi exempted ang kasal ng kanyang dating kasintahan para ipagpaliban ang mga natanguang commitments.

Sinabi nito na hindi niya desisyon ang dumalo sa kasal ni Shalani dahil marami pang factors ang dapat na timbangin at ikonsidera.

Nagpadala na ng regalo si PNoy kina Shalani at Romulo subalit aminado na wala siyang ideya kung ano ang laman nito at hindi rin siya nakadalo sa bridal registry.

“Hindi nga ako nakapunta sa bridal registry. Hindi ko alam kung ano ‘yung regalo sa kanila,”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply