PNoy ipinagtanggol vs pambabraso sa impeachment

IPINAGTANGGOL ni Sen. Francis Joseph “Chiz” Escudero si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III laban sa akusasyona binabraso nito ang bawat senador upang matiyak na mapapatalsik si Chief Justice Renato Corona.

“Wala sa ugali ni PNoy na gagawin nya iyon,” ayon kay Escudero.

Kahapon (Martes, Enero 10), inakusahan ni Atty. Serafin Cuevas, lead counsel ni Corona sa impeachment trial, na lubhang naalarma ang depensa sa ulat na isa-isang kinakausap ni Pangulong Aquino ang bawat senador upang matiyak na boboto sila sa pagpapatalsik sa punong mahistrado.

Ngunit, ibinasura kaagad ni Escudero ang naturang akusasyon dahil personal siyang kasama ni Pangulong Aquino ilang araw na ang nakararaan ngunit walang binabanggit ang chief executive hinggil dito.

“PNoy and I are friends we talked for about an hour about a lot of things. To be fair and factual about it, he did not bring up the issue nor even mentioned about it,” ayon kay Escudero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply