PNoy kinondena sa patuloy na oil price hike

KINONDENANG muli ng Makabayan Coalition ang administrasyong Aquino dahil sa pagpapatianod sa kagustuhan ng mga kompanya ng langis na magtaas ng presyo ng gasolina.

Tinawag ng Makabayan na tila inaayunan ng gobyerno ang pagtataas sa presyo ng langis kung kaya nanawagan ang partido na tuluyang ibasura ang Oil Deregulation  Law.

Nagiging inutil anila ang administrasyong Aquino dahil patuloy niyang tinatanggihan na maaksyunan ang pagharang sa patuloy na pagtaas sa presyo ng langis sa pamamagitan ng pagbasura sa buwis na ipinapataw sa produktong langis.

Sinabi ni dating Gabriela Rep. Liza Maza, nagpetisyon na sila sa Department of Finance noon pang Abril, nakalipas na taon upang kung hindi man suspendihin ay ma-exempt man lang ang produktong petrolyo sa expanded value added tax.

Giit pa ni Maza na sa halip na ipagpatuloy ang pagpapatupad sa Pantawid Pasada program para sa mga tsuper ay mainam na aniyang maglatag ang gobyerno ng solusyong pang-matagalan gaya ng pagbasura sa Oil deregulation law.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply