PNoy kumpiyansang mako-convict si Corona

KUMPIYANSA si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na mako-convict si Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona sa impeachment case.

Inihayag ni Pangulong Aquino sa isang press conference, na malakas ang mga ebidensya laban sa punong mahistrado.

Sinabi rin ni Pangulong Aquino, na hindi na siya mananawagang mag-leave of absence si Corona dahil dati na niyang ipinanawagan ito na hindi naman aniya sinunod ni Corona.

Umaasa rin ang Pangulo na sa pamamagitan ng impeachment trial, ay maisasaayos ang relasyon ng bawat sangay ng gobyerno.

Samantala, nirerespeto umano ni Pangulong Aquino ang paninindigan ni Corona na hindi magbitiw sa puwesto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply