PNoy pinaiiwas ni Alan sa impeachment trial

TIWALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na hindi gagapangin ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga senador/judge para bumoto para sa conviction ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona tulad na lamang ng pag-aalok ng malaking pork barrel fund.

Kumpiyansa si Cayetano na patas lumaban si Pangulong Aquino at hahayaan lamang niya ang mga senador na magdesisyon kung ano ang kanilang personal na paninindigan sa impeachmet complaint laban kay Corona.

Sinabi ito ng senador dahil noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, tuwing may maghahain ng impeachment complaint laban sa Pangulo noon ay palaging isinasangkalan ang pork barrel fund.

Isa si Cayetano, noong kongresista pa lamang ng Taguig, sa sumuporta sa impeachment complaint kay dating Pangulong Arroyo kung kaya inipit din ang paglalabas ng P70 milyong pork barrel fund nito.

Nanindigan din ang senador na hindi naman ang pork barrel ang kailangan para mahatulan ng guilty si Corona, kundi ang kaukulang ebidensiya sa walong articles of impeachment na kinakaharap ng punong mahistrado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply