PNoy sa publiko: ‘Watch the impeachment’

TINAWAGAN ng pansin ng Malakanyang ang sambayanang Filipino na i-monitor, panoorin, pakinggan, pag-aralan at magpalabas ng sariling konklusyon kaugnay sa gagawing impeachment trial laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona bukas, Enero 16.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, ito na ang tamang panahon para makiisa ang publiko sa pinag-uusapang impeachment trial ng taon.

“Let’s listen to both sides on what evidence will be presented because, while in the end it will be the senator-jurors who will be making the judgment, it will be also good for us to be apprised of the issues and the pieces of evidence that will be presented against the one on trial. So mas mabuti po ‘yon, ‘yung makinig po tayo, magmatyag po tayo, at bumuo po tayo ng sarili nating opinyon tungkol po sa mga pangyayari,” aniya pa rin.

Wala namang ideya si Usec. Valte kung magiging maayos ang panimula ng impeachment trial laban kay Corona o posibleng mabulilyaso pa.

Wala ring balak ang Malakanyang na payuhan ang senator-judges na iwasan ang grandstanding sa trial.

Ang katuwiran ni Usec Valte ay turf na ng senator-judges ang aspetong ito

Samantala, masusi namang tututukan ni Pangulong Aquino ang takbo ng impeachment trial laban kay Corona, sa kabila ng kanyang kaliwa’t kanang engagements.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply