PNoy tinabla ang fixed term ng hepe ng AFP

TULUYANG isinuka ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang naipasang batas hinggil sa fixed term ng Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff.

Ayon sa Punong Ehekutibo, nilabag nito ang Article 16, Section 5 ng Saligang Batas na nagbabawal sa ekstensyon o pagpapalawig sa serbisyo ng mga sundalo kaya’t hindi niya ito nilagdaan.

Matatandaang ilang taong nabinbin sa Kongreso ang panukalang batas bago ito tuluyang makalusot sa bicameral conference committee.

Sina Sen. Panfilo Lacson at Rep. Rodolfo Biazon ang pangunahing nagsulong ng panukalang batas.

Sa naturang panukala, magkakaroon ng tatlong taong fixed-term ang AFP chief habang dalawang taon naman ang mga AFP major service commander.

Ani Pangulo, ipinaalam na niya sa Senado at Kamara de Representantes ang pag-veto niya sa panukalang batas.

“Inilalagay natin ang sarili natin sa sitwasyong potentially ay may violation sa Constitution na bawal ‘yung extension,” ayon kay Pangulong Aquino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply