PNoy utak sa pagputol ng cp signal sa Quiapo area

INAMIN ng Malakanyang na si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang nasa likod ng pansamantalang pagkakaputol ng serbisyo ng telephone companies o kawalan ng signal ng cellphone sa mga ruta ng Black Nazarene.

Ang hakbang na ito ng Malakanyang ay bahagi ng security measures na napagkasunduan sa pulong ng Pangulo at Philippine National Police (PNP).

Patuloy na naka-monitor ang Malakanyang sa prusisyon ng Poong Nazareno.

Kahapon (Enero 8), tiniyak ni Pangulong Aquino ang banta ng terorismo kaugnay sa Kapistahan ng Itim na Nazareno na dadaluhan ng milyon katao.

“Malacanang confirms that the government asked the telcos to temporarily disconnect their services in the route of the Black Nazarene procession as part of the security measures agreed upon during the meeting on Sunday. This was confirmed by PNP director general Bartolome,” ayon kay Presidential deputy spokesperson Abigail Valte.

Sa kabilang dako, pawang mga aktibidades naman sa loob ng Malakanyang ang dinaluhan ng Chief Executive kung saan ilang diplomats at mga miyembro ng Gabinete ang kanyang kaharap.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply