PNoy wala pang invitation mula kay Shalani

HANGGANG ngayon ay wala pa ring natatanggap na wedding invitation si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III mula sa kanyang dating kasintahan na si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad na nakatakdang ikasal kay Pasig City Rep. Roman Romulo sa darating na Enero 22.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na nakumpirma niya mula sa Tanggapan ng Pangulo na wala pang ipinadadalang imbitasyon si Shalani kay Pangulong Aquino.

“We just confirmed with the Private Office that the President has not yet received an invitation and we will let you know what the response of the President will be,” anito,

Subalit, sinabi naman ni Congressman Romulo na inimbitahan na nila si Pangulong Aquino kahit pa past boyfriend ito ni Shalani.

“He is invited. Although we understand that he is a very busy person kasi Presidente siya, hopeful kami na makarating din siya,” anito.

Samantala, kinumpirma naman nina Romulo at Shalani na maglalakad sa aisle ang huli ng nag-iisa. Hindi siya gagabayan ng kanyang mga magulang.

“It’s the bride’s moment and she is old enough to stand on her own. I’m looking forward to a long, long life with Shalani,” paliwanag ni Romulo.

Inaasahan naman ng nasabing couple na mahigit sa 400 bisita ang dadalo sa kanilang pag-iisang dibdib.

Ang beteranong fashion designer na si Inno Sotto ang magde-design ng simpleng wedding dress ni Shalani.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply