PNP-ARMM tumatanggap na ng aplikasyon para nais maging pulis

PINASIMULAN na ngayon ng Philippine National Police-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PNP-ARMM) ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa mga nagnanais na maging pulis.

Ang PNP-ARMM ay nagre-recruit ng mga tauhang papasok sa serbisyo bilang police officer ngayong taon.

Ang mga sumusunod ay mga requirements para sa mga nagnanais maging pulis: Kailangan pumasa ang isang aplikante sa psychiatric at psychological, drug at physical test sa kahit alinmang PNP-Napolcom accredited hospital; college graduate; walang masamang record o kaso sa pulisya, military at ibang sangay ng gobyerno; at nasa pagitan ng 20-30 anyos.

Ayon sa PNP-ARMM, dapat isumite ang mga aplikasyon sa police provincial office ng Maguindanao na matatagpuan sa PNP-ARMM Regional Office sa Parang town ng nasabing lalawigan.

Makipag-ugnayan lamang sa recruitment at selection office ng Camp Brigadier Salipada K. Pendatun sa nasabing bayan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply