PNP: Hindi ang Nazareno ang specific target ng terorista

HINDI ang pista ng Poong Nazareno ang specific target ng binabantayang banta ng terorismo.

Ito ang nilinaw ngayon ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome, simula pa noong Agosto 2011 ay nakatatanggap na sila ng impormasyon ukol sa nabanggit na banta. Aniya napapanahon lamang ang okasyon ng Nazareno kaya maaari itong samantalahin ng mga terorista.

Ipinaliwanag ni Bartolome, na posibleng magkaroon ng oportunidad ang mga terorista na isagawa ang pinaplano kaya mahigpit ang kanilang pagbabantay at ipinatutupad na seguridad.

Aniya, minabuti rin umano ni Pangulong Benigno Aquino III na isapubliko ang terror threat upang magsilbing babala ito sa mga deboto at sumunod ang mga ito sa mga ipinagbabawal tulad ng hindi pagdadala ng mga bata at mga matatanda sa prusisyon.

Sinabi pa ni Bartolome na hands-on sa security procedures si Pangulong Aquino.

Kaagapay na rin ng Pnp ang puwersa na galing sa Armed Forces of The Philippines (AFP).

Hinahanap na rin umano ang mga namataang suspek at masusing minamatiyagan ng mga operatiba ang kanilang kilos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply