PNP patuloy na nakaalerto

PATULOY pa ring nakaalerto ang Philippine National Police (PNP) bagama’t tapos na ang Pista ng Itim na Nazareno.

Ito ay dahil mayroon pang mga susunod na malalaking event tulad ng Pista ng Santo Nino sa Tondo, Maynila, Sinulog Festivities sa Cebu at Chinese New Year sa Enero 23.

Ayon kay PNP Chief  Director General Nicanor Bartolome, may sapat na seguridad sa mga lugar para sa tatlong malalaking event kung saan inaasahan ang malaking bilang ng mga bisita na dadalo.

Ang Sinulog sa Cebu at Pista ng Tondo ay kapwa Catholic-oriented festivities sa ngalan ng Santo Nino. Ang Chinese New Year naman ay kinokonsidera ng gobyerno na special non-working day.

Dahil dito, patuloy na nakaalerto ang kapulisan laban sa posibleng banta ng terorismo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply