PNP pinuri sa mapayapang pista ng Itim na Nazareno

PINURI ng Malakanyang ang Philippine National Police at iba pang ahensya ng pamahalaan sa mapayapang pagdiriwang ng Kapistahan ng Black Nazarene kahapon (Enero 9).

Sinabi ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr. na positibo ang maagap na pag-anunsyo ni Pangulog Benigno Aquino III na may banta sa seguridad ng bansa lalo na sa mga daraaan ng prusisyon ng Itim na Nazareno at sa kaligtasan ng mga deboto nito.

“From the onset, the President has directed our security forces to be vigilant in the face of terror threats. The PNP, in particular, should be lauded for taking all the precautions necessary to secure the safety of the 3 million devotees who joined the procession that took the Black Nazarene through the streets of Manila to Quiapo Church,” ayon kay Ochoa.

Sinabi pa ni Ochoa na ang maayos at mapayapang Kapistahan ng Itim na Nazareno ay nagpapakita lamang ng katiyakan sa publiko na patuloy na nakabantay ang pamahalaan para sa kaligtasan ng lahat.

Nauna rito, ibinalik na sa normal ang pangkalahatang sitwasyon sa National Capital Region pagkatapos ng 22 oras na prusisyon ng mga deboto sa Poon Nazareno.

Kabilang sa mga ipinatupad na security measures ng gobyerno ay ang pag-deploy ng mga sundalo at police personnel sa Quiapo area at pansamantalang pagputol sa linya ng mga cellphone.

Kahit tapos na ang pista ng Itim na Nazareno, magpapatuloy pa rin ang pagtugis ng mga operatiba sa anim hanggang siyam na teroristang galing Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply