PoGI Bill, ipapalit sa FOI Bill ng Senado

BABAGUHIN ng Senado ang pamamaraan ng pagkuha ng mahahalagang impormasyon sa gobyerno sa pamamagitan ng pagbubuo ng Public Ownership of Government Information (PoGI) Bill sa halip na Freedom of Information (FOI) Bill na suportado ng Palasyo.

Ganito ang inihalad ni Sen. Gregorio “Gringo” Honasan matapos itakda ang pagpapalabas ng kaukulang committee report sa unang yugto ng taon upang patunay na pinahahalagahan ng Kongreso ang karapatan ng mamamayan na malaman ang transaksyon sa gobyerno.

“Dagdag ko lang, may acronym kami dyan, kasama na rin ang kaunting kantiyaw. Di ba sa prinsipyo ng demokrasya natin, pluralistic democracy eh, government of the people, by the people and for the people. So, taumbayan talaga ang may-ari ng pamahalaan at impormasyon,” ayon kay Honasan.

Sa dating panukala, ayon kay Honasan, kapag humingi ng impormasyon ang partikular na grupo o indibiduwal, kailangan patunayan nila sa korte kung bakit kailangan nila ang impormasyon.

“Babaliktarin natin ngayon, People’s Ownership of Government Information or POGI Bill. Ibig sabihin, kapag may ahensiya ng gobyerno na tumanggi, sila ngayon ang magpapatunay sa korte kung umabot sa kore, kung bakit di dapat ibigay (ang partikular na impormasyon),” paliwanag ni Honasan.

Kabilang sa kadahilanan kung bakit hindi puwedeng ipamahagi ang partikular na impormasyon ang probisyon sa panukala hinggil sa national security, foreign policy, private contracts.

“Un ang mga usual exception,” paliwanag niya.

Kaugnay nito, isinantabi naman ni Honasan ang panukala ng Palasyo na huwag nang magbuo ng isang Information Commission na makadadagdag lamang sa napakaraming ahensiya ng pamahalaan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply