‘Police asset’ itinumba ng killer sa Taguig City

DALAWANG beses binaril sa ulo ng hinihinalang “hired killer” ang 35-anyos na lalaki na sinasabing napagbintangang nagbibigay ng impormasyon sa pulisya kaugnay sa talamak na bentahan ng ilegal na droga sa Taguig City kaninang madaling-araw.

Siniguro pa ng salarin na hindi mabubuhay ang biktimang si Bryan Diaz, ng 48 Sunflower St., Brgy Western Bicutan nang muling barilin sa ulo habang duguan nang nakahandusay matapos magtamo ng isang tama ng bala sa ulo.

Mabilis na tumakas ang salarin nang matiyak na wala nang buhay ang biktima patungo sa hindi nabatid na lugar.

Sa imbestigasyon, kalalabas lamang ng bahay ng biktima dakong alas-3 ng madaling-araw nang makarinig ng dalawang putok ng baril ang kanyang kalive-in na si Jane Parahinog.

Sinabi ni Parahinog sa pulisya na hindi niya pinansin ang narinig na putok ng baril subalit ilang minuto ang nakalipas ay may tumawag na sa kanya at nagsabing ang kanyang kinakasama ang nakabulagta.

Iniutos naman ni Taguig police chief Sr. Supt. Tomas Apolinario ang pagtutok sa kaso upang mahuli ang salarin at matukoy kung ano ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply