Police outpost inararo ng trak, 5 utas

LIMA ang patay habang walo ang nasugatan nang araruhin ng isang 10-wheeler truck na puno ng graba ang substation ng Taytay Police sa Kaytikling Junction, Barangay Dolores, Taytay, Rizal.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nawalan umano ng preno ang trak habang pababa ng Cabrera Road papuntang Kaytikling at dire-diretso sa police outpost.

Kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang tatlo sa namatay na sina Gaylord Makiputan, Kevin Ruz at Noel Almorado, 17-anyos.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng drayber ng trak at isa pang binawian ng buhay.

Kasama naman sa mga nasugatan ay sina PO1 Christian Cantanero, PO2 Benedict Harold Orpanel at PO1 Ron Ely Miranda.

Nabatid na hinukay pa si Miranda matapos na matabunan ng lupa na nakatambak sa gilid ng police station.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply