Police tracker team ikinasa vs Palparan

BUMUO ang Bataan Police ng tatlong police tracker team para hanapin si retired Major General Jovito Palparan matapos makatanggap ng impormasyon na ang dating Army officer ay namataan sa tatlong lugar sa naturang probinsya.

Sinabi ni Senior Supt. Arnold Gunnacao, Bataan police director, na kinukumpirma na ng kanyang mga operatiba ang ulat na nakita si Palparan sa Bagac at pagkatapos sa Morong, na kapwa bulubunduking lugar na malapit sa South China Sea.

Gayunman, sinabi rin ni Gunnacao na maari silang mahirapan na tuntunin ang pinagtataguan ni Palparan dahil na rin ang kumukupkop dito sa ngayon ay isa umanong maimpluwensyang tao sa lipunan partikular sa Nueva Ecija.

Pero gagawin aniya nila ang lahat para malambat ang puganteng dating  heneral para mabigyan ng hustisya ang mga inagrabyado nito.

Hindi rin aniya sila magdadalawang isip na sampahan ng kaukulang kaso ang mga indibidwal na nagtatago o nagkukupkop kay Palparan dahil ito ay isang maliwanag na kasong harboring of criminal.

Nito lamang nakaraang Huwebes (Enero 26), nakatanggap si Gunnacao ng isang mensahe na nakita si Palparan sa Abucay, Bataan kung saan dati siyang brigade commander ng 24th Infantry Battalion.

Sa unang bahagi ng buwan ay dinoble ng Philippine government ang reward money na mula sa dating P500,000 ay ginawang ay P1 milyon na para madakip si Palparan na tinutugis sa pagkawala ng dalawang student activists noong 2006.

Maliban kay Palparan, inasakuhan din ng two counts ng kidnapping at serious illegal detention sina Lt. Col. Felipe Anotado Jr., S/Sgt. Edgardo Osorio at M/Sgt. Rizal Hilario.

Nauna nang sumuko sina Anotado at Osorio habanag si Hilario, na sinasbaing sidekick ni Palparan ay nananatiling nakakawala. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply