Posibleng unang bagyo sa 2012 namataan

BINABANTAYAN ngayon ang posibilidad na maging ganap na kauna-unahang bagyo sa taong 2012 ang namataang pagpasok ng low pressure area (LPA) sa silangan ng General Santos City kaninang madaling-araw, Enero 2.

Ayon kay Pagasa Administrator Nathaniel Servando, huli itong nakita sa 1,000 kilometro sa silangan ng Southern Mindanao.

Mas organisado umano ito kumpara sa nalusaw na low pressure kahapon.

Kung mabubuo bilang tropical depression, papangalanan ito ng Pagasa bilang bagyong Ambo.

Kabilang sa posibleng maapektuhan nito sa mga susunod na araw ay ang Agusan, Surigao, Davao at maging ang mga lugar na naapektuhan ng mapaminsalang bagyong Sendong noong nakaraang taon na nag-iwan ng higit 1,000 patay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply