Poverty ratio tumaas, hunger rate sumirit

HABANG ang poverty ratio sa Pilipinas ay bumaba sa pagtatapos ng 2011, tumaas naman ng bahagya ang hunger rate sa parehong panahon, ayon sa ulat kaninang umaga (Enero 30) ng pollster Social Weather Stations (SWS).

Nabatid sa ikinasang survey na ang nagsasabi na wala na silang makain ay tumaas mula sa 21.5 percent noong Setyembre 2011 hanggang 22.5 percent nitong Disyembre.

Sinabi ng SWS na ang pagtaas ng isang porsiyento ay indikasyon na may 4.5 milyong pamilya ay nakararanas ng “involuntary hunger” nitong Disyembre, kumpara  sa 4.1 milyong pamilya noong Setyembre.

Ang resulta ng SWS survey, na ikinasa mula Disyembre 3 hanggang 7 nitong nakaraang taon ay nailathala sa media partner na BusinessWorld ngayong araw (Enero 30).

Lumabas sa survey na sumirit ang matinding gutom sa lahat ng lugar maliban lamang sa Metro Manila, na bumagsak ng 1.3 points sa 5 percent.

Sinabi rin ng SWS na napansin ang matinding kagutuman sa bansa nang umakyat sa  1.2 percent hanggang 4.7 percent ito na katumbas ng may 955,000 pamilya.

Sa Luzon, umakyat ito ng 2 points hanggang 6 percent, na kulang sa record high.

Sa Visayas, tumaas ito ng halos 1 percent hanggang 3 percent.

Sa Mindanao, tumaas ito ng 1.7 points hanggang 3.7 percent.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply