PPP = Pera palit puri

NAGING abala na ang inyong imbing lingkod, hindi na nabungkal sa katotong Hipolito Gagni ang mga mapapanayam para sa isang sulatin ukol sa umiiral na kakatwa sa isang lupalop sa lalawigang di-kalayuan sa Metro Manila…. PPP o Pera Palit Puri…

Hindi ituturing na bayaran ang maybahay o dalaga na, sanhi ng matinding pangangailangan upang matustusan ang ikabubuhay, mapipilitan na isangkalan ang sariling hinaharap kapalit ng salapi.

Igigiit natin na hindi katumbas ng dangal ang katakam-takam na singkapan.

We’re pointing to carnal services offered in exchange for a sum, not even a fee…no honor was at stake or tainted in the process…a maiden’s hymen cannot be kept as fleshy artifact. It goes. Yet she keeps her honor intact.

Honor isn’t skin-deep. It goes deeper than the marrow.

Kaya huwag nang ung-katin pa kung may isinalang na dangal o hangal ang mga tinatawag na honorable na naging bahagi ng Liberal Party Express upang maisalang na sa Senado ang pagpapatalsik kay Supreme Court Chief Magistrate Renato Corona.

Kung mangingimi ang sakmal ng pangangailangan para tumihaya’t ibuka ang pinipithaya, ang mga kagalang-galang na taga-Kamara’y walang pakundangan, walang atubili na isinalpak ang kani-kanilang lagda.

Ni hindi na binulatlat, binasa o binungkal ang mga paratang kay Corona.

Sa huli nga’y umamin na ang 180 kagalang-ga-lang na lumagda sila sa articles of impeachment na hindi man lang sinuri ang kanilang pinirmahan.

Baka kasi abutin ng siyam-siyam kung bawat isa’y pag-iisipan ang kanilang pipirmahan.

Aba’y baka abutin din ng siyam-siyam ang buhos-mantika ng pork barrel.

Ni hindi nga naglimi at naghimay, o idinaan sa masinsinang talakayan saka nagbotohan kung karapat-dapat ngang isam-pa pa sa Senado ang impeachment.

This early, sharp legal minds are saying Senate won’t muster the numbers to oust Corona.

The rigmarole of an impeachment process may turn out to be another waste of taxpayers’ money.

Bago pa sumambulat ang 2012, bumuyangyang sa Department of Budget and Management (DBM) website ang baha ng pork barrel sa bulsa ng ating mga kinatawan sa Kamara.

Hindi na lang nga mabubungkal sa ngayon.

Under periodic maintenance daw ang DBM website.

Maugong ang mga ulat na tumanggap ang mga kapuri-puring kinatawan ng tig-isang milyon bilang bonus sa kanilang paglagda sa…bukod pa sa mantika mula pork barrel.

Proyektong PPP pa rin ito.

Pera Palit Puri.
Para matungkab na sa puwesto ang Punong Ma-histrado.

Honor isn’t skin-deep… it goes deeper than the lining of the pockets.

At bakit nga ba biglang “nasira” ang nasabing website?

Para ba maiwasang masundan ng taumbayan ang detalye ng release ng mga pork barrel sa ating mga kongresista at maiwasang magka-ideya ang lahat kung sino-sino ang nadagdagan ang “biyaya” mula sa Palasyo matapos ang pirmahan sa Kamara?

Nagtatanong lang po, DBM Sec. Butch Abad!

Mahaba pa ang bagong “teleseryeng” ito na walang iba kundi ang personal na “giyera” ni PNot sa kanyang mga kaaway sa pulitika kaya…

Abangan!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply