PRC: 104 na deboto sugatan sa prusisyon

UMAABOT na sa 104 na deboto ang naitalang sumailalim sa medical treatment ng Philippine Red Cross matapos na masugatan sa prusisyon ng Black Nazarene ngayong araw.

Ayon sa PRC, 30 deboto ang nagtamo ng minor injuries habang 56 naman ang kinukunan ng blood pressure matapos na maipit sa siksikan ng mga tao.

“Minor cases vary from wound injuries, exhaustion, dehydration to blood pressure taking,” ayon sa PRC.

Nabatid na may pitong deboto rin ang isinugod sa ospital ng Maynila at Philippine General Hospital (PGH) dahil nakaramdam ang mga ito ng pagkahilo, nahirapang huminga at pananakit ng dibdib.

Isang buntis din ang iniulat na dinala sa Ospital ng Maynila nang makaramdam ng pagkahilo sa dami ng taong nagsisikan sa prusisyon.

May 350 PRC staff at volunteer, 19 ambulansya ang itinalaga sa iba’t ibang bahagi ng Maynila upang magbigay ng paunanng lunas sa mga deboto na masasaktan o masusugatan sa kapistahn ng Itim na Nazareno.

May mga istasyon rin ang PRC sa mga ruta na daraanan ng prusisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply