Pre-trial vs Corona ikinasa ng Senado

MAGKAKAROON muna ng pre-trial sa impeachment case na inihain laban kay Chief Justice Renato Corona upang mapabilis ang paglilitis sa walong Articles of Impeachment na isinumite sa Impeachment Court.

Inihayag ito ngayong araw ni Atty. Maria Velantina Cruz matapos ihain sa Impeachment Court ang kahilingan ng secretariat na magkaroon muna ng pre-trial sa kaso ni Corona.

“We have suggested to the Impeachment Court to have a pre–trial on the impeachment case against Chief Justice Renato Corona,” ayon kay Cruz.

Sinabi ni Cruz na inaatasan sa pre-trial ang House panel of prosecution na isumite ang ebidnesiya at bilang ng testigo laban kay Corona sa Impeachment Court .

Ayon kay Cruz, gusto muna nilang madetermina kung ilan ang witness at nais na makita muna ang ebidensiya ng prosecution panel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply