Pres. Barack Obama, PNoy muling magkikita

MULING magkikita sina Pangulong Benigno Aquino III at US President Barack Obama sa Mayo o Hunyo.

Ito ang tiniyak ni US Ambassador Harry Thomas sa idinaos na Vin d’Honneur sa Malakanyang kanina.

Wala naman aniya siyang ideya kung ano ang agenda ng pulong ng dalawang Pangulo.

Bago aniya ang pulong ng dalawang lider ay magkakaroon muna sila ng bilateral strategic dialogue sa Washington  bago matapos ang buwang kasalukuyan.

Dadaluhan aniya ito ng US at Philippine Defense at Foreign Affairs undersecretaries at assistant secretaries.

Ito na aniya ang ikalawang dayalogo sa pagitan ng Washington at Manila, ang una ay nangyari sa Pilipinas noong 2011.

Sa darating na Marso ay makikipagpulong naman sina Defense Secretary Voltaire Gazmin at Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa kani-kanilang counterparts na sina Secretaries Leon Panetta at Clinton kapuwa sa Washington.

Ibinulgar din ni Thomas na magkakaroon naman ng pang-apat na pulong sina Filipino boxing champion at Sarangani Representative Manny Pacquiao at Floyd Mayweather.

Wala pa aniyang pinal na salita kung magaganap nga ang inaabangan ng lahat na laban nina Pacquiao-Mayweather ngayong taon fight will take place this year.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply