Presyo ng langis tumaas ng P1.50-P1.75/litro

INANUNSIYO kanina ng Eastern Petroleum Corp. ang pagtataas nila ng presyo ng mga produktong petrolyo simula alas-12:01 ng madaling-araw mamaya, Enero 11, 2012.

Ayon sa kompanya, magdaragdag sila ng P1.50 kada litro ng diesel habang P1.75 naman kada-litro sa lahat ng kanilang gasolina.

Paliwanag ng kompanya, ang pagtataas ay bunsod ng pagtaas ng halaga ng langis sa international market dahil sa mas tumaas ang tensiyon sa banta ng Iran na isasara ang Strait of Hormuz, kung saan dumadaloy ang may 1/6 na oil exportation sa buong mundo.

Nananatili namang mataas ang halaga ng langis ngayon kaysa noong nakaraang linggo ng hanggang $3 ng  Dubai crude, mahigit ng $6  na dolyar sa gasoline at bahagyang malapit sa halagang $5 para sa diesel.

Ngayong linggo, may pangambang magkakaroon ng impact sa nakabiting hakbang ng European Union na magdeklara ng oil embargo laban sa Iran, para lang pigilin ang naturang bansa sa planong programa ukol sa pag-aarmas ng nukleyar.

Samantala, mariing kinondena ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide ang pahayag ng Department of Energy ukol sa panibagong oil price hike.

Inilarawan ni George San Mateo, national president ng PISTON na isang pananakot para mabigyang katwiran ang lalong pagtaas sa presyo ng langis.

Iginiit naman ng 1-UTAK na dapat nang ibigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang 50 cents na karagdagang pasahe.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply