Presyo ng petrolyo tumaas na naman

DAGDAG pasakit na naman sa mga motorista ang muling pagtaas ng presyo ng petrolyo ng ilang kompanya ng langis  ngayong araw.

Simula kaninang alas-6:00 ng umaga ay nagtaas ang Petron, Total, Shell at Chevron ng presyo ng kanilang gasolina at diesel.

Nabatid na ang Petron at  Total  ay nagtaas ng 50 sentimos sa kada litro ng premium, 70 sentimos naman sa kada litro ng regular gas at 90 sentimos kada litro sa diesel.

Maging ang presyo ng kerosene ay itinaas  din ng Petron ng 90 sentimos kada litro.

Ang Shell naman ay nagtaas sa kanilang presyo ng unleaded gas sa halagang 50 sentimos kada litro; ang regular naman ay 70 sentimos kada litro; habang  ang diesel at kerosene ay 90 sentimos kada litro ang itinaas.

Nagtaas naman ng 50 centavos kada litro ng unleaded  ang Chevron habang sa diesel at kerosene ay 90 centavos kada litro ang itinaas.

Katwiran pa rin ng mga kompanya ng langis na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa world market ang dahilan ng kanilang pagtaas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply