Private army sa NBI bubuwagin– De Lima

TINIYAK ni Justice Secretary Leila de Lima na kanilang kakanselahin ang mga mission order ng daang-daang confidential volunteers sa loob ng National Bureau of Investigation upang hindi na aniya magamit pa sa katiwalian.

Ginawa ni De Lima ang pahayag matapos na matuklasan ang umiiral na private army sa loob ng ahensya.

Ayon sa kalihim, nagulat siya sa natuklasang iligal na operasyon ng tinatayang 300 miyembro ng tinatawag na confidential volunteers.

Ibinunyag ni De Lima ang nasabing iligal na operasyon ng mga private army matapos na i-review ang raid na ginawa sa pamilya Marzan na siyang kumupkop sa Haponesang si Norivo Ohara sa Bugallon, Pangasinan.

Nabatid na 30 tauhan umano ng organic member ng ahnesya ang sumugod sa lugar na may bitbit pang matataas na uri ng armas.

Natuklasan din ng Department of Justice na ang mga ito ay ginamit lamang upang makapangikil ng pera sa pamilya Marzan dahil sa pagkupkop nila sa undocumented na si Ohara.

Ito rin ang dahilan ng pagkakasibak ni dating NBI Director Magtanggol Gatdula.

“…Private army na ‘yan na wala naman mga accountability kung saan yan ginagamit. At nakita nga natin dyan sa insidente na yan involving Ms. Ohara, na mukhang ginagamit sa mga ganyang mga iligal na mga operasyon gaya ng extortion,” ayon pa sa kalihim.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply