Private developer pinatawag ng Impeachment Court

KINUMPIRMA ni Sen. Vicente Sotto III na inaprubahan ng Impeachment Court ang pagpapatawag sa ilang pribadong developer na nagmamay-ari sa sinasabing maluluhong condominium units na hinihinalang pag-aari ni Chief Justice Renato Corona.

Sa panayam, sinabi ni Sotto na inaprubahan ni Senate President Juan Ponce Enrile ang lahat ng mosyon ng House prosecution panel na ipatawag ang private developer maliban lamang sa panawagan na patestiguhin si Corona at pamilya nito.

“All motions for subpoena have been approved except for Corona and his family,” ayon kay Sotto

Base sa mosyon na inihain ng prosecution panel, nais ng Mababang Kapulungan na ipatawag ang mga sumusunod na personalidad upang tumestigo sa Impeachment Court:

1. Gionvani C. Ng, Finance director of Megaworld Corporation, sa World Center Building, Makati, na nagmamay-ari ng Belagio Properties;
2. Aniceto V. Bisnar at Lourder R. Reyes, authorized representatives ng Fort Bonifacio Development Corporation, Bonifacio Global City, Taguig City, at may-ari at developer ng Spanish Bay Tower. Bonifacio Ridge, The Fort Global City;
3. Grace Evangeline F. Manankil-Sta Ana at Nerissa N. Josef, authorized representatives ng Community Innovations, Inc., ang nagpatayo ng The Columns sa Buendia at Ayala Avenue sa Makati City;
4. Rogelio T. Serafica, presidente ng Burgundy Realty Corporation, at nagmamay-ari ng Burgundy Plaza sa Katipunan Ave., Quezon City;
5. Jamie Eloise M. Agbayani, presidente at chief executive officer ng Camp John Hay Management Corporation sa Baguio City

Nauna nang ipinatawag ng Impeachment court Sina Atty. Enriqueta Esguerra-Vidal, clerk of court ng Supreme Court, BIR Commission Kim S. Jacinto-Henares maging ang mga Register of Deeds at City Assessors ng mga lungsod ng Taguig, Marikina, Makati, Quezon, Pasay at Parañaque.

Inatasan ng Impeachment Court si Vidal na isumite ang statement of assets, liabilities and net work ni Corona, habang hinihingi naman sa BIR chief ang Income Tax Returns ng punong mahistrado.

Inutusan din ang Register of Deeds at City Assessors na ibigay sa korte ang lahat ng Certificate of Transfer of Titles ng mga ari-arian na hinihinalang pag-aari ni Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply