Prosecution nag-ocular inspection sa Senado

NAGTUNGO sa Senado ang tatlong kongresista na tumatayong mga spokesperson ng 11-man prosecution panel sa Senado upang silipin ang magiging tanggapan ng prosekusyon sa kabuuan ng impeachment trial.

Pinangunahan nina Cavite Rep. Emilio Joseph Abaya (prosecution manager) kasama sina Marikina Rep. Miro Quimbo (Spokesperson) at Aurora Rep. Sonny Angara (Deputy spokesperson) ang ocular inspection sa Senado kung saan nabatid na nakuntento naman sila sa nakahandang kuwarto para sa lahat ng tatayong prosecutors.

Sa panayam ng media, inulit ni Quimbo na isang malungkot at nakakapagod na gawain ang impeachment at aminado siyang maraming pagkakaibigan dito ang nasira.

“Maraming pagkakaibigan na nasira dito pero ang importante para sa amin ay kinakailangang malaman ng taumbayan na merong pwedeng pagdulugan na ang mga miembro ng Korte Suprema lalong-lalo na ang ating chief justice is not above scrutiny. That the members of the judiciary is not beyond the scrutiny by the people,” ayon kay Quimbo.

Umaasa rin ang prosekusyon na ibabasura ng mga senador ang mosyong inihain ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona na ang layunin anila ay antalain ang impeachment.

Sinabi naman ni Abaya na bagama’t nakakasa na ang prosecution team para sa nalalapit na impeachment trial ay marami pa ring paghahanda ang dapat na gawin.

Ayon kay Abaya dadaan ngayon sa media training ang mga prosecutor at abogado upang malaman nila kung paano ang pakikitungo, pagpiprisinta at mga guidelines sa media lalo na’t haharap sila sa publiko.

Sa pagdidiin naman ni Angara, sinabi niyang walang excempted sa sinumang government officials na ilahad ang SALN na siyang nasasaad sa batas.

Ang totoo aniya, ang mga kongresista lalo na ang miyembro ng prosekusyon ay nakahandang magsapubliko ng SALN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply