Prosecution team na lilitis kay GMA handa na

NAKAHANDA na ang aaktong prosecutors sa paglilitis kay dating pangulo, ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo sa tatlong bilang ng kasong electoral sabotage na kanyang kinakaharap.

Kasamang nasasakdal ng dating pangulo sina dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos at dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. sa dayaan at manipulasyon sa 2007 election na kasalukuyang nakasampa sa Pasay City Regional Trial Court (RTC).

Sa ipinalabas na en banc Resolution Number 9333 na may petsang Enero 18, 2012, binibigyan ng kapangyarihan ang kalihim ng Department of Justice (DOJ) na magtalaga ng anim na prosecutor mula dito.

Bilang tugon, nagpalabas ang DOJ ng Department Order Number 049 na may petsang Enero 19, 2012 na nagtatalaga kina Assistant State Prosecutor Mari Elvira Herrera, Assistant City Prosecutor Orlando Mariano, Associate Prosecution Atty. Gerard Gaerlan at Associate Prosecution Atty. Mark Roland Estepa bilang mga prosecutors.

Sasagutin naman ng Comelec ang lahat ng gastos na gagamitin ng prosekusyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply