Prosekusyon ang handa, hindi ang defense panel

ITINANGGI ng prosecution panel na hindi sila handa sa impeachment trial na ipinagpatuloy kanina sa Senado.

Ayon kay Aurora Rep. Sonny Angara, katunayan ay handa silang ipakita at i-prisenta sa impeachment court ang certified true copy ng mga ari-arian ni Chief Justice Renate Corona kabilang na ang mga deed of sale ng condo units ng Punong Mahistrado

Idinagdag naman ni Marikina Rep. Miro Quimbo na dapat sana ay ipiprisenta nila ang mga ebidensya upang markahan ngunit hindi pumayag ang defense panel na sinang-ayunan ng impeachment court dahil sa kawalan ng testigo.

Hindi nakarating ang kanilang mga testigo mula sa Land Registration Authority (LRA) dahil kaninang umaga lamang naipa-receive ang subpoena sa mga testigo na kinabibilangan ni BIR Commissioner Kim Henares.

Paliwanag pa ni Angara na katanggap-tanggap din aniya sa korte ang kanilang mga dokumento dahil hindi naman nila maaaring dalhin ang orihinal na mga ebidensya dahil ito ay hawak ni Corona.

Sa kabila nito ay tiniyak naman ni Quimbo na muling ipipilit ng prosecution bukas ang kanilang mga ebidensyang hawak at inaasahan na rin nilang dadalo sa pagdinig ang mga testigo mula sa LRA upang magbigay patunay sa hawak nilang mga dokumento na galing ito sa kanila.

Paliwanag pa ni Quimbo, kung ano ang kanilang naging estratehiya ngayong araw ay ito rin ang gagawin nila sa pagdinig bukas kabilang ang paggiit na simulan nilang talakayin ang Article 2 o ang kabiguan ni Corona na ideklara ang kaniyang mga ari-arian sa SALN.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply