Prosekusyon dismayado sa ‘di pagbibitiw ni Corona

IBINULGAR ni dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar na dismayado ang hanay ng prosekusyon na humantong sa tuluyang paglilitis sa Senate Impeachment Court ang Eight Articles of Impeachment na isinmapa ng Kamara de Representantes sa Senado laban kay Chief Justice Renato Corona.

Sa isang panayam ngayong araw kay Mrs. Villar sa Mandaluyong City kaugnay sa kaso ng isang OFW na dumating sa bansa na biktima ng panghahalay, bilang dating mambabatas, humingi ng reaksiyon ang media sa nagaganap na impeachment proceedings kay Corona.

Sinabi ni Mrs. Villar na inamin sa kanya ng ilang kongregista na miyembro ng prosekusyon na inakala ng mga ito na magbibitiw sa pwesto si Corona at hindi na aabot pa sa Senado gaya ng nangyari kay dating Ombudsman Merceditas Guttierrez.

Aniya, naganap ang ganitong pag-amin ng mga miyembro ng prosekusyon kamakailan sa ginanap na advance reception party ng nakatakdang kasalan nina Cong. Roman Romulo at Valenzuela Councilor Shalani Soledad na dinaluhan ng maraming kongregista.

Dahil dito, sinabi ni Mrs. Villar na hindi handa ang prosekusyon sa magaganap na paglilitis sa kabila ng advance na media milage laban kay Corona partikular ang pagpapalabas ng sinasabing 45 ari-arian ng punong mahistrado bago pa man magbukas ang impeachment trial.

Nilinaw din ng dating kongregista na hindi siya pro o anti impeachment subali’t dapat aniya na idaan sa tamang proseso base sa itinatadhana ng saligang batas ang nasabing paglilitis at igalang ang karapatan ng bawat isa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply