Prosekusyon dismayado sa ika-5 araw ng impeachment trial

DISMAYADO ang prosekusyon sa itinakbo ng ikalimang araw ng impeachment trial ngayong hapon sa Senado.

Ito ay matapos maagang suspendihin ang impeachment trial ni presiding judge Juan Ponce Enrile matapos ang debate kung dapat o hindi dapat tanggapin ang testigo na si Internal Revenue Commissioner Kim Henares.

“Malungkot ang araw na ito para sa amin dahil nanaig na naman ang teknikalidad,” ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo, tagapagsalita ng prosekusyon.

Maging sa pahayag ng depensa na mawawala ang due process kay Corona kapag pinayagan na lamang basta ang prosekusyon na maglatag ng mga testigo at ebidensya kahit walang kinalaman sa mga alegasyon laban sa punong mahistrado.

“Hindi naman nawawala ang due process. The fact na nagkakaroon ng debate malinaw na may due process pero hindi dapat abusuhin dahil may limit ang paggamit nito,” ayon kay Quimbo.

Kagaya ng ipinakiusap ni Rep. Neil Tupas, Jr., ang lead prosecutor, sa Impeachment Court, umapela rin si Aurora Rep. Sonny Angara na hindi dapat maging mahigpit sa pagtanggap ng ebidensya kasi hindi naman ito criminal proceedings.

Bukas (Enero 25) ay muling tatangkain ng prosekusyon na tumestigo si Henares at ilahad na rin ang mga bitbit nitong kopya ng income tax return ni Corona na pangunahing tinutulan ng lead counsel nito na si dating Justice Secretary Serafin Cuevas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply