Prosekusyon napagsabihan ng Impeachment Court

NAPAGSABIHAN ni Impeachment Court Presiding Judge Senator Juan Ponce Enrile ang prosekusyon dahil sa paggisa sa sarili nilang testigo.

Sinabi ni Enrile na hindi marapat na gisahin ni Atty. Mario Bautista ang testigo na si Enriquetta Esguerra-Vidal, Supreme Court Division Clerk of Court dahil ito ay labag sa tuntunin.

Una nang pinuna ni dating Justice Secretary Serafin Cuevas, lead counsel ng defense panel ang panggigipit at pagbabato dito ng mga leading questions dahil ang maaari lamang mag-cross examine ay ang depensa.

Nagkaroon ng kaunting pagtatalo ang mga senator-judges dahil sa pag-urong ni Vidal na isuko sa impeachment court ang dala niyang SALN ni Corona matapos sabihin na bago niya ito gawin ay kailangan niyang humingi ng pahintulot sa Supreme Court.

Sa bandang huli ay isinuko rin ni Vidal ang SALN sa secretary – general ng Seando.

Ang kapuna-puna ay tuluyan ng ipinaubaya ng mga kongresista sa pribadong prosecutor na si Atty. Mario Bautista ang pagtatanong kay Vidal subalit ang mga senador din ang nakapilit sa SC clerk of court na isumite ang dala niyang SALN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply