Protocol sa kanselasyon, suspensyon ng klase pinalawak

PINALAWAK pa ni Pangulong Benigno Aquino III ang umiiral na protocol sa kanselasyon o suspensyon ng klase at trabaho sa pamahalaan dahil sa bagyo kabilang na ang pagbaha, kalamidad at iba pang tinatawag na weather disturbances upang maiwasan ang anumang pagkawala ng buhay.

Mapapansin sa ipinalabas na Executive Order No. 66 noong Enero 9 na mas inayos at pinasimple ang paraan ng kanselasyon at suspensyon ng klase sa pampubliko at pribadong paaralan at trabaho sa gobyerno dahil sa kalamidad.

Nakasaad sa EO 66 ang mga sumusunod na paraan ng kanselasyon at suspensyon ng klase sa pampubliko at pribadong eskuwelahan at trabaho sa pamahalaan.

Kaugnay nito, inatasan ni Pangulong Aquino ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na agahan ang pagpapalabas ng weather forecasts sa pamamagitan at tulong ng iba’t ibang media  outlets, kabilang na rito ang radyo, telebisyon ng hindi lalagpas ng alas-10 ng gabi ng nagdaang araw at 4:30 naman ng umaga sa araw mismo ng pag-anunsyo ng kanselasyon at suspensyon ng klase at trabaho.

Sa kabilang dako, kung ang event aniya ay mayroong klase at trabaho sa umaga at ang kanselasyon ng klase at trabaho ay iaanunsyo ng tanghali ay sinabi ng Punong Ehekutibo na kailangang magpalabas ng forecast ang PAGASA ng hindi lalagpas ng alas-11 ng umaga ng nasabing araw.

At sa pagkakataon aniya na walang typhoon signal ay nakasaad pa rin sa  EO 66 na “the local chief executives shall implement localized cancellation or suspension of classes and government work in coordination with the weather bureau and the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), particularly in flood-prone or high risk areas.”

Ang local chief executives ang tatayo naman bilang chairpersons ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC).

Sa mga lugar naman aniya na apektado ng kalamidad maliban sa bagyo, ang klase sa lahat ng antas kapwa pampubliko at pribadong paaralan at sa pamahalaan ay makakansela lamang kapag nagdeklara na ang Pangulong Aquino ng state of calamity alinsunod na rin sa rekomendasyon ng NDRRMC.

Samantala, inatasan naman ni Pangulong Aquino, ang mga ahensiya ng pamahalaan na kasama sa disaster risk reduction and management na panatilihin ang operasyon ng kani-kanilang mga tanggapan upang matiyak ang patuloy na pagbibigay ng pampublikong serbisyo.

Ang mga tanggapan ng pamahalaan na kailangang maging alerto agad sa ganitong mga usapin ay ang Office of the Executive Secretary, Departments of National Defense, the Interior and Local Government, Social Welfare and Development, Science and Technology, Health, Public Works and Highways, at Education.

Ang OP, sa pamamagitan ng Executive Secretary ay may kapangyarihan kasama ang

NDRRMC na kanselahin at isuspinde ang klase at trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan lalo na sa mga panahon na may kalamidad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply