Prusisyon ng Itim na Nazareno, higit 15 oras na sa lansangan

LAGPAS na ng 15 oras ang paglilipat ng imahen ng Black Nazarene mula nang umalis sa Quirino Grandstand kaninang alas 7:45 ng umaga.

Mula sa dalawang oras na pagkakatigil sa Palanca at Villalobos Streets sa Maynila ay umusad na rin sa wakas ang prusisyon.

Una nang nagkagulo ang mga deboto at mga tauhan ng Manila Police District matapos tangkaing paikliin ang ruta ng prusisyon dahil na rin sa pakiusap ng rektor ng Minor Basilica of the Black Nazarene na si Monsignor Clemente Ignacio, pero nagmatigas ang mga deboto na ikaliwa sa Villalobos pa-diretso sa simbahan.

Hanggang kaninang alas 12:00 ng madaling-araw ay nasa may Globo de Oro area pa rin ang prusisyon.

Tinataya namang aabot pa ng apat na oras bago tuluyang maipasok sa Quiapo church ang Black Nazarene.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply