Prusisyon ng Itim na Nazareno nagsimula na

NAGSIMULA na ang prusisyon ng imahe ng Itim na Poong Nazareno ngayong umaga sa Quirino Grandstand patungong Quiapo church.

Dakong alas-8:00 ng umaga nang magsimulang umusad ang prusisyon kung saan hirap ang mga deboto sa pag-usad dahil sa sobrang siksikan.

Ilang mga deboto naman ang hinimatay dahil sa sobrang dami ng tao sa Luneta.

Kaugnay nito, lalo pang hinigpitan ng Manila Police District ang pagbabantay sa mga lugar na pagdadadaaanan ng prusisyon dahil na rin sa sinasabing banta ng terorismo sa mismong araw ng kapistahan ng Itim na Nazareno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply