Puerto Princesa Underground River kasama na sa bagong 7 Wonders of Nature

PORMAL nang hinirang bilang isa sa bagong 7 Wonders of Nature ang Puerto Princesa Underground River (PPUR) sa Palawan.

Mismong si New 7 Wonders of Nature President Bernard Weber ang nagkumpirma nito matapos na marebisa ang resulta ng online voting system sa buong mundo.

Si Weber din ang nag-abot ng plake ng karangalan kay Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn.

Labis na ikinatuwa ni Mayor Hagedorn ang pormal na paghirang sa PPUR.

Sinabi ni Hagedorn, na ang pagkahirang sa PPUR ay hindi lamang makapagpapalago sa turismo sa Puerto Princesa kundi upang ipabatid sa taumbayan ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.

Ang pambato ng Pilipinas na PPUR ay nakipagtunggali sa iba pang natural wonders sa mga bansa sa Asya, Latin America at Europa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply