Pulis utas sa sariling boga sa La Union

TODAS ang isang pulis matapos aksidenteng mabaril ang sarili sa Bangar, La Union.

Kinilala ang biktima na si PO1 Antonio Cabarlo Jr., 34, ng Barangay Lusong Norte, nasabing bayan.

Nangyari ang insidente sa isang tindahan habang kinukumbinsi ng biktima ang isang dalagita na magserbisyo sa hanay ng pulisya.

Nabatid na ipinakikita ng biktima sa hindi na pinangalanang dalagita, kung paano ikasa at i-chamber out ang bala ng baril na isang caliber 9 mm.

Nang inakala ng namatay na pulis na wala nang bala ang baril nito ay kanyang itinutok at ikinasa sa sentido pero biglang pumutok.

Kaagad namang rumesponde ang mga kasamahang pulis at dinala sa pinakamalapit na ospital si Cabarlo ngunit idineklarang dead on arrival.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply