Pumatay ng anak, ipinakalaboso ng bunso

NAGWAKAS ang humigit kumulang walong buwang pagtatago sa batas ng isang ama na nakapatay sa kanyang sariling anak sa Capiz matapos ipahuli ng isa pa niyang anak sa ulat ng pulisya.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, arestado sa kasong parricide in relation to RA 7610 ang suspek na si Ernesto Albulario, 47, ng Barangay Maindang, Cuartero, Capiz.

Kasalukuyang nakadeteni ang ama sa Cuartero Police Station matapos arestuhin ng mga pulis sa loob ng kanilang bahay sa bisa ng ipinalabas na warrant ni Judge Jeffrey Almalbis ng RTC branch 14, sa Roxas.

Napag-alaman na mismong ang panganay na anak ng suspek ang nagpilit na masampahan ng kaso sa kabila ng pagtutol ng kanyang ina.

Bunsod ito ng pagkamatay ng dalawang taong gulang na kapatid na aksidenteng nabaril ng ama sa loob ng kanilang tahanan noong Abril taong 2011.

Base sa report na isinumite ng Quartero PNP matagal na ang ginagawang pagtugaygay sa suspek, ngunit tumagal ang pag-aresto dahil sa paglipat lipat nito ng trabaho.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply