QC tax payer iiiwas vs fixer

NAGPAKALAT pa ng hustong security personnel at unipormadong kapulisan ang Quezon City government sa loob at sa labas mismo ng QC Hall compound para protekatahan ang mga nagbabayad ng buwis mula sa mga fixer.

Iniatas kaninang umaga ni Mayor Herbert M. Bautista sa lahat ng QC Hall department, lalo na sa Department of Public Order and Safety (DPOS) na pinamumunuan ni dating QC Police District director Elmo San Diego, na magtalaga ng karagdagang tauhan kasama ang QCPD at QC Hall, lalo na sa iba’t ibang income-generating offices, na ang tax payments para sa business at real property ay karaniwang dinadagsa sa first quarter ng taon.

Sinabi ni  Bautista na kailangan ng mga taxpayers ng proteksyon sa oras ng pagbabayad ng business at real property tax dahil baka ilan sa kanila ay matukso na kumagat sa alok ng mga fixers para lamag maiwasan ang mahabang pilahan.

Nagpatupad ang QC government ng ban sa mga fixers sa lopb ng bisinidad ng government offices sa QC alunsunod na rin sa Ordinance Number SP-1656, Series of 2005. Ang naturang ordinansa ay may dalang penalty na P5,000 o isang taong pagkakakulong o pareho depende a diskrasyon ng korte sa mga lalabag.

Pinaalalahanan ni Bautista ang mga taxpayer na nagkasa na ang QC government ng simple at madaling hakbang sa application at renewal ng business permits at bayad sa real property tax upang mamantina ang estado na business-friendly city.

Pinaalala rin ni Bautista na naikasa na rin ang Millionaire’s Club lounge na nasa ikalawang palapag para maibigay ang pangangailangan ng mga taxpayers na magbabayad ng P1 milyon at mas mataas pa rito sa city government. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply