Quadruplex itatayo para sa mga biktima ni ‘Sendong’

SINIMULAN na ang pagtatayo ng mga quadruplex na kabahayan sa Calanaan, Cagayan de Oro City.

Sa pagtutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Habitat for Humanity at ng lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro ang quaduple ay itinayo para sa mga pamilyang biktima ng nakaraang bagyong “Sendong.”

Naganap kamakalawa (Enero 18) ang pirmahan ng tripartite agreement sa pagitan ng DSWD, Habitat for Humanity at ni Cagayan de Oro Mayor Vicente Emano.

Isusunod na dito ang paglipat ng halagang P203 milyon ng DSWD sa Habitat for Humanity na siyang mangangasiwa sa pagtatayo ng nasabing mga kabahayan.

Sa 9.4 na ektarya na unang natukoy na permanent relocation site itatayo ang mga bahay na quadruplex. Apat na pamilya ang titira sa bawat 40 square meters na istraktura.

Kahapon (Enero 19) sa harapan nina DSWD-X Regional Director Araceli F. Solamillo, Cagayan de Oro Mayor Vicente Emano at mga kinatawan ng Habitat for Humanity at National Housing Authority ay ginanap ang “Padugo.”

Ito ay a isang lokal na ritwal kung saan ang isang lugar na pagtatayuan ng bagong estraktura ay pinapatuluan ng dugo ng hayop para malayo sa kapahamakan ang bagong maninirahan.

Sa Enero 25 naman gagawin ang ground breaking ceremony.

Kasalukuyan nang tumitingin ang DSWD kung sino sa mga evacuees ang maaring makatulong sa konstruksiyon sa pamamagitan ng kanilang “cash for work program.”

Samantala, nagpahayag na ang San Miguel Corporation na sila ay magbibigay ng P500 milyon para sa konstruksyon ng 5,000 na kabahayan.

May 12 bunkhouses naman ang malapit ng matapos na kasalukuyang ginagawa ng 52nd Engineering Brigade ng Armed Forces of the Philippines sa Lumbia, Cagayan de Oro. Mga 120 pamilya ang puwedeng tumira rito.

Mayroon ding 230 bunkhouses na kasalukuyang ginagawa sa Lumbia na maaaring tirhan ng 350 na pamilya.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DSWD sa Project Compassion para sa construction ng karagdagang bunkhouses sa na puwede namang tirhan ng 150 na mga pamilya. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply