Quiapo balik normal na

MAKARAANG dumugin ng daan-daang libong deboto ng Black Nazarene kahapon hanggang kaninang umaga ang harapan ng Quiapo Church, unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon sa Maynila partikular sa Plaza Miranda.

Nabatid na nililinis na ng mga tauhan ng Manila government at mga volunteer group ang mga iniwang sangkaterbang kalat ng mga deboto at inaalis na rin ang mga inilagay na portalet.

Base sa panayam ng dzMM kay Manila Mayor Alfredo Lim, agad na magpapadala siya ng bumbero sa Plaza Miranda upang bombahin ng tubig ang lugar at maalis ang masangsang na amoy na iniwan ng mga deboto.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply