Ramgen-Janelle sex video pinagpiyestahan na

HINIMOK ng kampo ni Janelle Manahan ang pamilya ng napaslang na kasintahan na si Ramgen Revilla na gumawa rin ng kaukulang hakbang upang masampahan ng kaso ang nagpakalat ng “sex video” nilang dalawa na pinagpipiyestahan sa internet kung totoong wala silang kinalaman sa nabatid na pagpapakalat nito.

Ayon kay Atty. Resty Mendoza, isa sa abogado ni Manahan, hindi lamang ang kanilang kliyente ang nasaktan sa pagkalat ng malaswang sex video kundi maging ang karapatan ng namayapa nang si Ramgen na dapat ay mapanatili ang pagkakaroon ng dignidad ng kanilang relasyon ng kasintahan.

Aminado si Mendoza na lubhang nasaktan si Janelle sa pagkalat ng kanilang sex video subalit lubha aniyang matatag at matapang ang kanilang kliyente kaya’t isang araw lamang niya iyon na iniyakan at naging magandang muli kinabukasan ang kanyang pananaw sa buhay.

Sinabi ni Mendoza na batid naman ni Janelle na mayroon silang sex video ng kasintahan dahil limang taon silang nagsama sa iisang bubong kaya inaasahan na niya na may lalabas pang mga video na posibleng ikakalat ng mga taong may malalim at personal na galit sa kanya.

Sa kabila nito, tiniyak ni Mendoza na hindi makakaapekto sa karakter at kredibilidad ni Janelle ang mga kumalat na sex video na bagama’t naisara na sa Facebook account ng kanyang kliyente ay posibleng na-tagged na aniya ito ng ilan nilang mga kaibigan at kakilala kaya’t wala na silang kontrol kung ma-post muli ito sa internet.

Idinugtong pa ni Mendoza na lubhang napakababa ng pagkatao ng sinuman ang nag-post ng sex video ng dalawa sa internet dahil bukod sa hindi na aniya binigyan ng dignidad ang namayapang si Ramgen, sinisira pa nila ang katauhan ng kasintahan nito na nakaligtas sa kamay ng kriminal.

Sinabi pa ni Mendoza na dahil sa kumalat na sex video, lalo pang dumagsa ang suporta sa kanilang kliyente kaya lalong naging matatag at masaya si Janelle.

Magugunita na una nang inakusahan ni Atty. Argee Guevarra, isa sa abogado ni Manahan ang pamilya Revilla na posibleng may kinalaman sa pagpapakalat ng sex video dahil sila ang may hawak ng mga naiwanang mga personal na gamit at computer ni Ramgen at may motibo rin para sirain ang kanilang kliyente.

Nauna nang idinawit sa kaso ni Manahan ang isa pang kapatid nina Ramon Joseph  at Maria Ramona Bautista na si Gail at asawang si Hiro Furuyama sa nangyaring krimen kaya lalong nagpuyos sa galit ang ina ng mga suspek na si Genelyn Magsaysay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply