Ramona itinurong nagpakalat ng sex video

NATUKOY na ng kampo ni Janelle Manahan na sa Europa umano nagmula ang “uploading” ng sex video nito at ng namayapang nobyo na si Ramgen Revilla.

Dahil dito, itinuro ni Atty. Argee Guevarra na si Ramona “Mara” Bautista na nasa Tukery ang siyang posibleng nagpakalat umano ng “sex video” ng kanyang namayapang kapatid sa internet.

Sinabi ni Guevarra na base sa isinagawa nilang imbestigasyon, tinukoy nila kung sino ang unang nag-upload ng sex video sa “YouTube” at nalaman nila na ang IP addresses na lumalabas ay nagbuhat sa Europa.

Alam umano ng lahat kung sino sa pamilya Bautista ang nasa Europa ngayon.  Ito umano ay si Ramona na nagtungo sa Turkey noong Nobyembre 4 upang takasan ang kontrobersya ng pagkamatay ng kanyang kapatid.

Unang itinanggi ni Geneleyn Magsaysay, ina nina Ramgen at Ramona, na sa kanila nanggaling ang “sex video” dahil sa nasa pulisya ang lahat ng gamit ng nasawi niyang anak ngunit kinalaunan ay inamin na nasa kanilang posesyon pa ang laptop computer ng biktima ngunit hindi nila mabuksan dahil sa hindi nila alam ang password.

Sinabi naman ng kampo ni Manahan na pinag-aaralan nilang sampahan na ng kasong paglabag sa “Anti-Voyeurism Act” sa ilang miyembro ng pamilya Bautista dahil sa pag-upload ng naturang sex video. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply