Interpol pasok na sa paghahanap kay Ramona

IKINASA na ng kampo ni Janelle Manahan, girlfriend ng napatay na si Ramgen Revilla ang pakikipag-ugnayan sa Interpol para sa agarang pag-aresto kay Maria Ramona Bautista, isa sa suspek sa pagpatay sa kapatid na si Ramgen.

Ani Atty. Argee Guevarra, ipinahahanap na nila sa Interpol si  Ramona para pabalikin sa bansa.

Ang nasabing hakbang ay nang ilabas ng korte ang pagpapaaresto sa apat na suspek sa pagpatay kay Ramgen at tangkang pagpatay kay Janelle.

Sa inilabas na warrant of arrest ng Parañaque Regional Trial Court (RTC),  ipinaaresto na sina Ramona, kapatid ni Ramgen, Ryan Pastera, Norwin dela Cruz at Glaiza Visda.

Una rito, sumuko na sina Dela Cruz at Visda, habang bigo naman ang awtoridad na mahuli si Pastera.

Itinakda naman ang pre-trial hearing sa nasabing kaso sa March 1.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply