Ravena Smart MVP sa Collegiate Basketball Awards

MAGKIKITA-KITA ang mga matitikas na varsity achiever ng 2011 season bukas ng gabi (Enero 21) upang daluhan ang Collegiate Basketball Awards na iprinesenta ng UAAP-NCAA Press Corps at SMART.

Pangungunahan ni Ateneo rookie Kiefer Ravena ang ibang mga awardees na mag-uumpisa ng 7:00 ng gabi sa Gateway Suites sa Cubao, Quezon City.

Si Ravena ang tinanghal na SMART Most Valuable Player ng grupo ng mga sportswriter mula sa broadsheets, tabloids at online publications na nagko-cover ng UAAP at NCAA basketball.

Makakasama ni Ravena sa mga bibigyan ng parangal ang kanyang mentor na si coach Norman Black bilang coach of the year kung saan ay makakasalo ng huli si coach Frankie Lim sa nasabing award sa pangatlong pagkakataon.

Giniya ni Black ang Ateneo Blue Eagles sa kampeonato matapos walisin ang Far Easter University sa Finals ng UAAP habang dinala naman ni Lim ang San Beda College Red Lions sa tagumpay matapos daigin ang San Sebastian College Stags sa Finals naman ng NCAA.

Pararangalan din ang 18-year-old na si Ravena sa Collegiate Mythical Five kung saan ay makakasama niya sina Ateneo teammate Greg Slaughter, San Sebastian’s Calvin Abueva, San Beda’s Garvo Lanete at National University’s Bobby Ray Parks, Jr.

Ang mga Players na galing sa four-time UAAP champion Blue Eagles na sina Nico Salva, Emman Monfort at Kirk Long ay tatanggap din ng parangal bilang mga, Pivotal Player, Maynilad Super Senior at Defensive Stopper ayon sa pagkakasunod.

Ang ibang awardees ay sina Red Lions center Dave Marcelo (Pivotal Player), Far Eastern University duo RR Garcia (Court General) at Aldrech Ramos (Mr. Efficiency) at Letran ace player Kevin Alas (Energy Player).

May matatanggap din na individual citations sina Ronald Pascual (Impact Player) at Ian Sangalang (Mr. Efficiency).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply