Reaksyon sa Singaporean, nilinaw sa pagbubulgar

NGAYON naman bigyan natin ng daan ang isang reaksyoon kaugnay sa ibinulgar natin na kinidnap na Singaporean Smuggler ng mga taga-CIDG-Anti Fraud.

Basahin natin ang nilalaman ng reaction ng isa sa  mga reader natin.

Dear Mr. Magalona, correction po, si Danao ay ‘di heneral kundi koronel.

Hindi gagalaw si Maj. Ocampo kung hindi alam ni Col. Agnila, ang hepe niya.

Itinago ang Singaporean sa likod lang ng opis namin malapit sa CR namin.

Si Major Ocampo ngayon  ay pinatago sa ARMM muna para hindi gaanong uminit.

Si David Bangayan Tan ay big-time scrap buyer kaya alam niya ang mga bentahan ng tanso.

Alam ni Col. Paco ang trabaho nina Maj. Ocampo pero bakit si Major lang ang nag-iisang nadiriin?

Ang hepe ni Maj. Ocampo ay si Col. Agnila. Dapat ay pitpitin din dahil naka-timbre at may blessing niya ang trabahong ito para hindi rin siya mabukulan.

Bakit naman ganun, pag sa sarap ay kasama sila pero pagdating sa hirap ay naiiwan ang mga maliliit?

Ang balita ko ay kasalukuyan nang pinaiimbestigahan ito ni Pangulong Noynoy Aquino matapos na sumipa ang mga kapanalig ng  Singaporean. Salamat po.

SUGALAN SA CAVITE HINDI MASUGPO

Nagkalat pa rin ang iba’t ibang mga iligal na pasugalan sa lalawigan ng Cavite. Ni hindi man lamang kumikilos  sina Gov. Jonvic Remulla at PD Supt. John Bulalacao para masugpo ang mga iligal na sugalan na sakop nila.

Hindi mapatigil ang saklaan nina Amy, Perry at Danny Itlog. Maging ang mga lotteng at bookies nina Kapitan Randy, Kapitan Magno at Rico ay namu-munini sa lalawigan.

Hindi mapatigil nina Gob at PD dahil sa nakikinabang ang bata nilang si Marlon Garcia sa collection nito.

Anomang reklamo o puna ay itext lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog @yahoo.com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply