Rear Admiral Edmund Tan bagong pinuno ng PCG

HINIRANG na ni Pangulong Benigno Aquino III si Rear Admiral Edmund Tan bilang bagong pinuno ng Philippine Coast Guard.

Papalit si Tan sa iiwanang puwesto ni Admiral Ramon Liwag na kasalukuyang nagdiriwang ng kaniyang ika-56 na kaarawan, ang mandatory retirement age para sa mga nasa armed service ng gobyerno.

Si Tan na tubong Dumaguete City ay miyembro ng Philippine Military Academy Class 1980 at kasalukuyang vice commandant for operations ng ahensiya.

Nakatakda namang ganapin ang turn-over of command bukas, Enero 25, sa headquarters ng PCG sa Roxas Boulevard, lungsod ng Maynila.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply