Recom muling sinampahan ng kasong katiwalian

MULING sinampahan ng kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri.

Batay sa reklamong isinampa ni Caloocan City Vice Mayor Edgar Erice, kinukuwestiyon nito ang umano’y maling ni Echiverrisa P1.6 bilyong pondo mula sa special projects activities fund ng lungsod noong 2006 hanggang 2010.

Hindi umano dumaan sa Sangguniang Panglungsod ang mga proyekto ni Echiverri na pinaggamitan ng naturang pondo kabilang na ang halos magkakatabing basketball courts na nagkakahalaga ng daan-daang milyong piso.

Ito na ang ika-limang kaso na isinampa ni Erice laban Echiverri kabilang na ang kaugnay sa hindi umano pagre-remit ng Government Service Insurance System (GSIS) contribution ng mga empleyado ng Caloocan City Hall, isyu ng buwis sa Gotesco Mall, umano’y ilegal na kontrata sa isang water company at pagbili ng umano’y overpriced multicab

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply