Recruiter sinisi ng ama ng babaeng isinilid sa maleta

SINISISI ng ama ng babaeng nakasalid sa isang maleta sa parking area ng Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) Terminal 2 ang recruiter ng kanyang anak.

Ayon kay Nidzmar, ama ni Nidz Ailyn Jumadi Bahjin, Oktubre pa nagtrabaho sa Oman ang kanyang anak, subalit nahirapan ito kaya humingi sa kanya ng pamasahe pauwi ng Pilipinas.

Hindi umano siya pinayagan ng recruiter ni Bahjin na sunduin ang anak kaya matindi ang galit nito rito.

Iniimbestigahan naman ng pulisya ang isang Boggy Sawamar na umano’y inutusan ng recruiter ni Bahjin na sumundo sa kanya.

Depensa naman ni Sawamar, hindi niya nakita si Bahjin nang sumundo siya sa airport noong Enero 10.

Batay sa arrival card ng 20-anyos na biktima, dumating siya sa Pilipinas noong Enero 10 sakay ng Gulf Air flight 156 na galing Bahrain.

Pinag-aaralan na ng pulisya ang CCTV ng airport para matukoy kung sino ang huling kasama ni Nidz Ailyn.

Palaisipan pa sa mga pulis kung paano nakarating sa parking lot ang biktima nakasilid sa maleta pati na rin ang motibo sa pagpatay rito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply